> You smile for no reason.
> You point with your lips
> You put your hands together in front of you as if to make a path and say “excuse, excuse” when you pass in between people or in front of the TV
> You like everything imported or “state-side.”
> You always offer food to all your…
(Source: tantarantado)
natuwa lang ako, kasi December baby ako e. :)) I’ll post everything, para makita niyo rin yung inyo.
++
Which baby are you?
I ALWAYS WANTED TO SPORT SPARTACUS’ HAIRCUT. ;))
malinis tignan… para sa akin. :)
++
CONGRATS JOLIV! :) siya na Ms. AB! ;) grabe, pag tapos ka naming asarin sa rampa mo, ang galing mo na nung sumunod! ;)) SWAGGER! :))
btw, siya nga pala yung partner ko, dalawang beses na sa Mr. and Ms. Polsci three years ako, and recently. Kaso lagi akong 2nd runner up. Ngayon siya na champ! ;)) Tapos Ms. AB na! go go go! :))
NEXT: MS UST! :)
i-push mo teh! :) dito lang kami! ;)
++
Congratulations to Ms. Joliv Catiis for winning in the recently held Insignia 2011 of the Faculty of Arts and Letters. :))
Na - suspend (intentionally) yung pag - aaral ko ngayon kasi emergency light yung ginagamit ko, e kelangan niyang i - charge, kaya eto, kuwento muna. :))
++
QUESTION: bakit nga ba lahat ng nauusong kultura o ano pa man e linalagyan na ng “mon” sa hulihan?
jejeMON - EuNn `M9Ah 9uMah9amiTT n9 9aniToh. :)
bekiMON - ayun, yung mga gumagamit ng salita na hango sa mga jargon ng mga bakla.
++
ang galing lang kasi kahit hindi mo madetermine kung noun, o adjective, o verb o whatsoever yung salitang ganun, e nagagamit mo parin siya, applicable sa lahat. :) yun nga lang pag nasanay ka e pati sa academic recitations mo sa school, magagamit mo, unintentionally.
ETO YUNG MGA natutunan ko, (na sa araw - araw kong napakikinggan, e nagagamit ko na rin… top 15 (in no particular order):
1. keme (noun, verb) - pwede rin siyang maging kemerut, kems.
~ biro lang o joke
ex: “Keme lang yung sinabi ko kanina sa’yo ha, na namatay yung Tatay mo.”
2. pek(2x) (noun) - ~ yung ginagamit ng mga ibon at angels para lumipad ng mataas.
ex: “Pangarap kong magkaroon ng pek(2x) para makapunta sa clouds.”
3. chos (noun, verb) - pwede rin siyang maging echos o echosa o char.
~ para ring keme, pero madalas ginagamit pangdagdag sa mga sentences o phrases pag nagjojoke ka.
ex: “Amoy putok siya… chos!”
4. Wiz Khalifa Mameh (noun, verb) - galing siya sa wiz o wititit o wit na ang ibig sabihin ay ~ hindi.
ex: G1: Maganda ba siya?
G2: Wiz Khalifa Mameh!
++
teka natatawa ako, linalagyan ko pa ng mga “noun…” e catch - all nga pala every term :))) hahaha. di ko na lalagyan.
++
5. Imbarbie - na hango sa ninuno niyang salita, ang “barda,” na ang ibig sabihin ay naasar, o nakakainis, pwede rin siyang maging “barbie” o “imbarbie-kels”
ex: “Imbarbie ang watashi kaninakels kasi Wiz Khalifa Mameh natawagshima ang waturlili sa reci.”
synonym niya ang “ANCHA” na ang ibig sabihin ay “asar”
AYAN na, COMBO na ang paggamit ng words hahaa. :))
6. Watashi - na galing sa salitang atashi, na ang ibig sabihin ay “ako,” pwede rin siyang maging waterlily o (wuterlily) o watambey o water o wata na lang.
ex: “WAAAAH bagsak ang Watashi kanina sa exams!”
7. Tegi - na ang ibig sabihin e patay, pwede rin siyang pahabain na parang “tegi boom boom lei”
ex: Tegi tayo mamaya sa LocGov, di kasi tayo nag - aral e!
8. Waley - na ang ibig sabihin ay wala.
ex: “Waley” na pagkain sa ref”
++
DITO AKO SOBRANG NATATAWA, PAG MGA PANGALAN NA NG SINGER O ARTISTA ANG GINAGAMIT HAHAHAHA!
++
9. Smellanie Marquez - mabaho
ex: “Smellanie Marquez siya after magbasketball!”
10. Cynthia Luster - “SINO SIYA?” o pwede ring Cynthia lang na ang ibig sabhin e Sino Siya?
ex: (may bagong dating sa room)… Cythia?
11. Tom Jones - gutom
ex: “Tara na kain na tayo Tom Jones na ako”
12. Haggardo Versoza - Haggard
ex: “Grabe hindi pa ako pumapasok e Haggardo Versoza na ako!”
13. Kelly Clarkson - kilikili o underarms
ex: “Lakas ng loob magtaas ng kilekile, maitim naman Kelly Clarkson!”
14. Keri Hilson - pag sinabi kasing Keri, o keribells, ibig sabihin e “kaya.” Parang “keri lang” o “carry on” siguro sa english.
ex: “Keri Hilson mo bang tapusin yang libro in 1 day?”
15. Kanye West - “kanya”
ex: “Kanye West yang ninakaw mong sapatos kagabi”
++
yoko na, hahaha tawa ako ng tawa. :)) aral na ulet ako!
OO NGA TAMA TAMA. Basta guide me po, Jesus. :)
livingthesuitelife-andgrateful:
LORD, PLEASE HELP ME MAKE THE RIGHT DECISIONS. THANK YOU. I LOVE YOU.
GRAD PIC. eto natupad ko na rin sa wakas na magsuot ng soldier. Idol ko rin kasi si Robin Padilla lalo na dun sa MISTA. :))))
SAKA HINDI AKO NAKARANAS NG ROTC nung HS at COLLEGE AKO. :))
(upload ko mamaya lahat ng pictures ko kahit hindi pa naeedit, saka pati yun mga panget na kuha… actually ako yung panget hindi yung kuha)
bye pasok na ako!
SWAG.
2:30pm (bigla ko na lang naisip na ishare yung mga natutunan ko, out of nowhere)
+ILAN SA MGA NATUTUNAN KO NGAYONG COLLEGE*
++
(SKIP NIYO NA LANG KUNG AYAW NIYO BASAHIN TONG INTRODUCTION NA NAKA - ENUMERATE, (hahahaha!))
(1) hindi pa tapos college days ko, pero sana hindi ma – jinx graduation ko this Academic Year dahil sa blog na to (hahaha) hindi ko naman makakalimutan to e.
(2) Itatype ko lang yung mga naiisip ko, spontaneous kung baga (hahahaha)
(3) Tinatamad kasi akong magsulat kaya blog na lang, para ma – share ko naman sa inyo at maapply niyo (kung applicable sa inyo) hahaha
(4) Sa mga taong nabanggit ko dito at gusto niyong I - anonymous ko kayo, iPM niyo ako or itext niyo ako, feel ko lang naman ishare yung mga natutunan ko sa inyo (hahaha!)
(5) Mahaba talaga ako gumawa ng blog kaya Kuya Felix Octa, sorry na! ;) pag magaganda naman yung kuha mo sa SLR mo, matagal kong tinititigan, tas hindi naman ako nagrereklamo e! (hahaha)
(6) Mag – aaral ako dapat ngayon pero overload na info sa utak ko, parang INFOBLAST! Ng CSC! (weh, not a punchline, Jopet hahaha) kaya unwind muna.
(7) LAGYAN KO NG MGA PICTURES TO AFTER NG CLASS KO KAY SIR BONG LOPEZ mamayang 6PM, and at the first place (in or at… the first place? PLEASE CORRECT ME) DAPAT HINDI AKO NAGAGANTO, DAPAT NAGBABASA AKO NG BATAS AT MGA KASO!
(8) MARAMI AKONG SIDE COMMENTS. PATI SA SARILI KONG GAWA NAGSISIDE COMMENT AKO (at least dito na lang, hindi na sa classroom at sa usapan ng iba, as I’ve CLAIMED in my previous blogs, GROWN – UP na ako, kaya marunong na akong maligo… araw – araw (hahahahaha!)
(9) && ULITIN KO, RANDOM, SPONTANEOUS, SELF – GENERATING, AUTOMATIC TYPING at MABILIS ang PAGGAWA KO SA BLOG NA TO, at sa iba pang blogs, maliban na lang kung may mga pictures pa (pampa – arte) hahaha.
SO LEGGO! (what’s with the expression LEGGO anyway, hahaha overrated na dapat may bago na!)
++
JOPOY (Kuya) and MAMA – bakit sila nandito? KASI HONESTLY, ngayon ko lang naranasan at naramdaman ang presence nila, kasi lagi kami nagaaway ni Jopoy noon at nasa abroad kasi si Mama, e ngayong naging DEVOTED na si Jopoy sa CHRISTIAN FAITH NIYA, at UMUWI na si Mama, may pamilya pala ako, at mahal pala nila ako (*tears*).So eto mga natutunan ko: maging magalang sa Ibang tao at wag masyadong pansinin ang mga pagkakamali nila, maging sensitive sa nararamdaman ng ibang tao, pag sinabing “mag – aaral,” mag – aaral dapat. TALKSHITTING is very bad, especially when you promised to hear mass every Sunday and to play basketball with Jopoy, STOP SMOKING, walang natutulong yan, nakakamatay pa (thanks I love you, konti konti na akong tumitigil), wag makornihan sa Diyos dahil talagang nakakatulong (I’ll devote another blog entry for this one), and many more. KUNG ANO AKO NGAYON, DAHIL SA KANILA YUN, AT KUNG ANO ANG MALI SA AKIN NGAYON, YUN AY DAHIL HINDI KO SILA SINUNOD (I smiled right after pressing shift+9).
++
NAHIHIYA AKONG SABIBHIN SA HARAP NILA KASI NA-AAWKWARD-AN AKO, KASI HINDI NAMAN AKO SHOWY SA PAKIRAMDAM KO, LALO NA SA PAMILYA KO, (saka I equated sweetness sa family saka AWKWARD, (FAMILY = AWKWARD) na hindi naman dapat: GUSTO KO PA KAYO MAKASAMA NG MATAGAL, KAYA NAGBABAGO NA AKO.
I HOPE I AM APPLYING THE AFOREMENTIONED APHORISMS, QUOTES and LESSONS from my loving family, sa araw - araw na nabubuhay pa ako; pag hindi pagsabihan niyo ako ha (and correct my englishing too, it’s bad sorry hahahaha)
PS: it’s hard for me to call Jopoy” Kuya” but I’m trying, you know. YUNG IBA, personal, hahaha, iso - sort ko pa, saka ko ipopost ulet (and may blog din ako tungkol sa pamilya ko, para makilala niyo sila hahaha).
&& JUST WANT YOU TO KNOW, NAKILALA KO YUNG DIYOS NA MATIBAY AT HINDI NANG – IIWAN DAHIL INYO.
(and yes, mababasa na ni Mama to in a few hours kasi gigising na siya, hahaha, oak-ward feeling na hindi naman dapat!).
++
++
JOLIV CATIIS, DANIELICAH CRUZ, NICHELLE PASCUAL: Ingatan mag – mura kahit expression lang, kasi masama talaga siya sa tenga. Parang nung nagpapractice kami ni Joliv sa Mr. and Ms. PolSci dati, nnnapamura ako sa ko “Gago hindi ganyan (pero hindi sadya),” tapos sabi niya “namura pa ako.” Feel ko malalim yung pinanggalingan nung sinabi niya. Kaya ngayon, nagiimprove na ako na itikom yung bibig ko sa mga unnecessary expressions. Pati yung magkwento ng mga bastos sa harap ng ibang tao. Marami kasi (sa tingin ko) yun mga nagkukuwentuhan ng mga kabastusan tulad ng SEX, MURAHAN and “the like” sa ibang tao, o sige, let’s do this in FILIPINO: GAGO PUTANG INA MO, at iba pa (sorry sorry), na hindi talaga magandang pakinggan o kahit basahin, masakit sa mata. Buti na lang nakilala ko sila, yung mga random words na ganun nacontrol ko na at hindi ko na ginagamit, at sa kabutihang palad… e “SWAGGER” na lang ang sinasabi ko, expression ko sa kahit ano, pati “CHAKA” hahaha. Kay Joliv naman, yung wag kang tanong ng tanong kung anong grade at score na nakuha ng kahit sino, kasi parang “kinukuwestiyon” niyo yung kaalaman at lebel ng pag - iisip ng isang tao, and the hell people care nga naman sa grade ng iba (hahaha). INAPPLY KO NA TO!
… and for my first year unang kakilalang friend…
NICH PASCUAL (ulet, for the record): MAG – ARAL NG MABUTI. I have to apologize to Nich, inequalize ko kasi ang pag – aaral sa pagkaboring (ARAL = BORING), kaya mali ang treatment ko sayo, nung NAGHIRAP lang kami, narealized ko na dapat pala talagang mag – aral. And the GC (grade conscious) thing, you know Nich, it’s cool too, if you love your parents and yourself. May POST GRAD pa jan, college of law, masters etc. kaya pwede pang bumawi ang mga estudyanteng katulad ko. LET’S BE GRADE CONSCIOUS SRSLY, kaya nga nag – aaral e.
Napagisip – isip ko nga e…
… Bakit nag memake up ang mga babae, diba para gumanda, bakit nakikipag – sex ang tao at hayop, diba para magkaanak (at masatisfy ang urge… O WAG KAYONG JUDGMENTAL pero correct me if I am wrong, sabi ni S. Freud, “Man is by nature a sexual animal,” pero di ako sure ha, sorry na, random nga diba, spontaneous?), bakit naliligo at nagtatanggal ng dumi sa katawan ang tao , diba para luminis at bumango…
SO BAKIT NAG – AARAL?
… tanong at realization to sa mga bata e. Na dapat alam ko na dating - dati pa.
Ayan Nich, thanks sa realization(s) (BTW, hindi galing sa kanya yung pinagsasabi kong analogy-ish na statements sa taas, nagpapabibo lang po, pumapunchline hahaha)
++
MIKA MEI PENGSON: Bestfriend ko siya ngayong College, hindi dahil nauutangan ko siya at hindi dahil last dance niya ako sa debut niya, Bestfriend ko siya dahil naiiyakan ko siya. AYUN. LESSON: magkaroon ng totoong bestfriend na yun tipong naiyak ka at natulo uhog mo, papahiram pa yung panyo niya sayo, pag hindi maganda amoy ng pabango mo, sasabihin sayo in a nice way naman na mabantots ka na, na mabaho ka dahil amoy yosi ka, na pag nagbigay ng advice e sobrang sincere. Yun tipong pag sinabi mong tatalon ako dito tatalon rin siya, dahil bestfriend mo nga siya e, sasama siyang tumalon tapos holding hands pa kayo tapos sasabihin niyo sa isa’t – isa “BESTFRIENDS FOREVER xoxo” (pero siyempre di totoo yun, joke lang yun, katangahan na yun, hahaha && what’s the meaning of “xoxo” btw? hahaha.) LOVE YOU BES. OO NA IYAKIN NA AKO, IKAW RIN NAMAN E. hahaha.
PS: oo na, wala akong regalo sayo tuwing Pasko, pero hindi mo binanggit yun, puro ka na lang OKAY LANG YUN.
EVERY PASKUHAN AND CHRISTMAS PARTY:
MIKA: Bes o regalo ko sayo.
JOPET: WOW NAMAN SALAMAT BES! (HINGA NG MALALIM) Sorry ha, wala akong regalo (INSERT EXCUSE HERE)
MIKA: Anu ka ba Bes, okay lang yun!
HINDI LAHAT OKAY!
… MATUTONG MAGSABI NG “HINDI” PAG KAILAGAN. (lesson for you, hahaha)
… MATUTONG MAKAALALA NG BIRTHDAY, KAHIT WALANG REGALO. PERO hindi naman ako nakamiss na batiin ka tuwing Birthday mo… HINDI MO LANG ALAM! Nung second year o first year tayo, nalaman ko lang sa mga nakatambay sa PAV na BIRTHDAY mo. SORRY.
… HUWAG MAKAKALIMOT SA MGA KABUTIHANG NAGAWA SAYO NG LAHAT NG TAO. Bumawi. Humingi ng pasasalamat &&
… MAGBAYAD NG UTANG (BIGATS!)
++
TANIA TOTANES: MAGING PALABAN KUNG MAY IPAGLALABAN AT PAGIGING TOTOO SA ISANG KAIBIGAN, kaklase ko siya nung 2nd year, hanggang ngayong 4th year, pero nagpalipat siya ng isang sem nung 2nd year kami kaya limang sem na kami magkasama ngayon (oo hindi tanga readers mo Jopet marunong magbilang yan, and the hell they care to know how many times you two have been in the same classroom (hahaha BIPOLAR?!)) maging matapang kung dapat maging matapang, at kung - ayaw -sa’yo – ng – isang - tao, edi - WAG – basta – totoo - ako - personality (hahahahaha).
++
DOM, JEF, KARL, TYRONE, JOHN PAUL: (sige, para maging korni naman kayo minsan at lagi na lang tingin sa atin ng mga tao ay swagger and the like, sige sige, let’s talk about what I have learned from you guys… TUNGKOL SA “LOVE” marami sana akong ikukuwento pero dahil sobrang SWAGGER niyo everyday, except kay John Paul at Tyrone siyempre, na good boys naman, tungkol muna sa LOVE okay?): SUMMARY: (a) Pag hindi ka na mahal, edi wag mo na rin mahalin, (b) Pag hindi ka na mahal, tuloy pa rin, pag – ibig to no, (c) Ayaw sa akin, iyak na lang lang ako (hahahaha ako ata to?!) (d) SAKRISPISYO AT RESPETO PARA SA MINAMAHAL, (e) mag – aral ng mabuti kasi inspired, sa ganung paraan mapapansin ako ng gusto kong babae, (f) Wala ako pake kung ayaw ng friends niya sa akin, basta mahal ko siya, ipaglalaban ko siya! (g) Lahat ng tao may karapatang umibig && wala sa hitsura yan, sa diskarte yan!
Pero eto paborito ko sa lahat = (h) PAG AYAW SAYO, NAHIHIYA KA AT NATOTORPE, TAMANG STALKER na lang ang silbi mo sa mundo ng facebook. Ayun, tamang pa click - click lang ng left arrow keytapos iisipin yung hitsura ng babae at ng sarili na MAGKASAMA (pero walang malisya, kayo talaga, wag judgmental! Hahahaha). :) Tapos tamang papansin sa FB chat at sa mga status messages, pati sa twitter tamang parinig din, as if naman papansinin ka… which leads to…
(i) (not in exact words, for your information) SABIHIN MO KUNG ANONG GUSTO MO, PAANO KA NIYA PAPANSININ KUNG HINDI MO NAMAN SINASABI YUNG GUSTO MONG IPARATING?! (I think this one’s from Jeffrey Dalangin o Joliv din, di ko na tanda)
++
VALERIE “FE” ENRIQUEZ – (ngayon ko lang natutunan as in) – wag mag - interview via facebook chat, hindi kayo magkakaintindihan at magkakakitaan. SIRA KASI E. SORRY FB ADMIN, but you have to fix that problem. Daming nagliligawan sa facebook o. Hahahaha!
++
EM ASSIDAO - MAGBAYAD NG UTANG. She’s our class treasurer, lagi ko siyang tinataguan, together with Karl Lagunilla (sorry Tol, linaglag kita hahaha) pag singilan time na. PERO ETO PANGAKO, huli na yon, hindi na kita papahirapan. HAHAHA. At wala talaga akong pera, you know that, pero it’s not an excuse, dapat dumiskarte, kasi sila nahihirapan e. SORRY NA. srsly. Si PATTY DEOGRACIAS hindi mo matataguan, kasi talagang i-huhunt ka niya, lalo na si KARL, walang takas, (hahaha). Salamat sa inyong dalawa. Hindi sa lahat ng panahon maiaaply ang mga katagang “PARA KANG PUMIPIGA NG BASAHAN NA WALA NG MAPIGA” sa mga naniningil sa inyo. GASGAS na kelangan ko mag – isip ng bago. HAHAHAHA.
SIYEMPRE. SI GEM APUAD (I used to call her Chemilyn, pero feel ko di siya natutuwa) na treasurer ng Partido, madaanan ka lang niya, ang bigat na sa loob, kasi yung mata niya palang, all out na ang gusto niyang iparating sayo “MAGBAYAD KA NA PESIGAN!”, pero yun mga times na tipong “MAGULUNGAN AKO NG PISO E HINDI NA AKO MAKAKAUWI,” yun din yung mga panahon na naniningil siya. SORRY GAP PEOPLE, I’ll be responsible for that one. Magbabayad na po ako!
++
Hindi ko rin siguro pwedeng balewalain yung natutunan ko kay KAT ONGOCO, na halimbawa, may kinakain kayong pareho ng kasama mo, tapos nabitin ka sa nakain mo, tapos gusto mong hingiin yung kanya kasi nga matakaw ka, nabitin ka nga sa nakain mo at mukhang satisfied naman na siya…
… MALI DAW YUNG TATANUNGIN MO SIYA NG: “AYAW MO NA?”
Dapat daw, “akin na yan bitin ako gutom pako pautang bili pa ako.” Pero siyempre joke naraman yun, hahaha! Dapat daw, “Gusto mo pa ba?” in a very nice way, pero dapat bago mo itanong e bubuwelo ka muna siyempre, mamaya mabagal lang ngumuya dahil finifeel pa niya ang lasa ng pagkain at pinapakiramdaman niya bawat sulok ng pagkain na tinutunaw ng laway niya sa loob ng bibig niya tapos nalulon niya pa accidentally yung mani ng Hershey’s niyang may almonds (inimagine mo? hahaha sorry ginagawa ko kasing “interactive”yung writing style ko for this one hahahaha), sama mo namang tao, sinira mo naman yung moment niya. MASAMA KAYA SA LOOB YUN. hahaha. Tama nga naman siya. May point, may point, pero yung pagkakaexplain ko kanina e akin yun, kathang isip ko lang yun, nangangarap ngang fiction writer e hindi naman ganyan kabalahura yung friend kong yun (hahaha peace Kat.)
&& LEARN TO APPRECIATE EVEN THE MOST TINY AND YOU-THINK-INSIGNIFICANT THINGS THAT OTHERS GAVE TO YOU, kahit bigyan ka pa niya ng ginto niya sa umaga galing sa mata niya , at lupain na galing sa ilong niya pagdating ng hapon (pagtapos bumiyahe ng 1 hour - 1:30mins sa JEEP, or “TRUHYK” (tawag ng mga konyo sa tricycle) para mas langhap yung usok), tatanggapin mo parin, bawal tumanggi sa biyaya! BAKA MAGTAMPO (alam kong nagtatampo na kayo kasi kadire na… paki sapak nga ako, isa lang, sa may bandang ilong, hahahahaha! kadire na e.)
++
RHANZ TUANO: WAG PUMATOL SA PIKON at wag maging PIKON. no more explanations. hahaha. Bati na kami ngayon.
++
CHA – CHA MENDOZA – BE SPONTANEOUS. Being spontaneous is being true to everybody. YUN NGA LANG, NAG – IISIP PA RIN DAPAT, hindi tactless. AND HINDI MAGING PLASTIK, and to get rid those random asaran, kasi naalala ko dati…
(SA HEAVEN’S TOUCH, 1st sem, may meeting ang partido)
JOPET: (kinuha ID ni Cha Cha, tapos nandun 2x2 niya nung OJT niya… NAKATITIG LANG SA PIC): HAHAHHA.
CHA: (ignored Jopet)
JOPET: still doing the same with papansing (HAHAHAHA).
CHA: (with annoyed face): GWAPO MO E NO, GWAPO MO.
JOPET: (pahiya).
HAHAHA. So ayun. I LEARNED FROM IT, AND AFTER LEARNING FROM IT I GET MY OWN PICTURES AND LAUGH AT IT, AND AFTER THAT, AAWAYIN KO SARILI KO KASI INAASAR KO YUNG PICTURE KO (bipolar talaga, hahaha! binaliw mo ako Cha-Cha!)
*NOBODY’S PERFECT*
LOVE YOU CHA! That incident I’ve mentioned earlier leads to…
++
CORE GROUP NG the GAP (Gem, Shek, Pete, Rohj, Tots, Xien, Ace, ChaCha, Mela, Christine Tan (ayun chill sa Amerika, we miss you srsly, ms. Philo): OO ALAM KONG MAHAL NILA AKO AT TIWALA SILA SA KUNG ANUNG MERON AKO, pero they say I’m a Jejemon, JEJEMON ha, even Jesha Villasis, Phyllis Dela Rosa, Ap Ap Dizon and other PolSci people (kayo lang natandaan ko sa PolSci, recurring kasi yung pagtawag niyo sa akin ng JEJEMON, and SUNSHINE too (hahaha) “the cutie/motherly/friendly girl in PolSci, even though I am not using “fPuCkk YoU PhoEuzs” messaging style and not ending my messages with “mR. DeAdLee EyEs 081,” not even wearing that so-called-Jejecap (na meron yung kuya ko FYI! pero di siya JEJE) still, they call me a JEJEMON, quoting Sunshine: “ANG JEJE MO (followed by her long little evil laugh).”
Hahaha. SIGURO yung inaakala kong SWAG at DOPE-ness ko, yun na pala yung nagpapa – jejemon sa akin. SIla ang nagturo sa akin magpaka – Chairman. Ayun, tinry kong magsalamin para magmukhang matalino, magmedyas sa sapatos (uso topsider shoes e bakit ba… FACT: wala akong pambile hahahaha!) MALIGO BAGO PUMASOK (oi OA kayo 3x ko lang ginawa to), ayusin GALAW ko, that signature magaslaw move ni Pesigan (Shek, super thank you! Na laging pinapagalitan ako pag ginagawa ko yun) teka teka teka… UULITIN KO lang ha.
*** RECURRING ISSUE: 3x lang ako pumasok nang hindi naligo, tapos isang beses nung retreat (I’ll write a blog about this one hahahahaha ayoko I – elaborate dito, sabog na nga ako gumawa ng blog, dadagdag ko pa… DUN KA MAGPALUSOT JOPET hahaha).
ANYWAY, marami akong natutunan sa kanila, I even adopted how ROHJ MARIANO expresses his points and arguments in english ELOQUENTLY AT WALANG PASINTABI, AS LONG AS TAMA SIYA. (ROHJ! sana paglihian ka ng magiging asawa ko dahil sobrang pogi mo at daming nagkakakras sayo, di ko man na – achieve yung chick magetism ni Rohj bilang Jopet, makuha sana siya ng magiging anak ko. tambay ka sa bahay namin pag may asawa na ako ha hahaha!
Ayan ha, salamat ROHJ sa lahat, pero sana wag mahawa anak ko pati “P” at “F” deficiency mo (deficiency ba ang hindi pagbigkas ng maayos ng P at F at S, ang harsh naman hahaha, ako nga sira sa R e.)
(I am assuming that he will be saying this in his mind after reading the lines prior to this one): “okay lang may “P” and “F” deficiency no, at least hindi ako PAOS!” hahaha LOVE YOU ROHJ, nakapaOZM mong tao, and my Mom reads your blog).
++
Prof. Dennis Coronacion – as a teacher, marami din akong natutunan, eto yun sobrang cool magturo (cool kasi daming laughing moments, tapos pag seryoso na, tapos ayaw mo pa umayos, sisimangot na SORRY NA SIR nung 3rd year, yung tinamaan ako ng papansin syndrome ko!) kala mo bata paren kasi yun mga jokes niya, nakakatawa (hahahaha) pero dami kong natututunan (sayang yung ibang required books sa mga subjects niya, hindi ko binasa ng maayos, ngayon naman kating – kati ako basahin, lalo na yung Rise and Fall na kahit wala na akong pera, binili ko parin yung original, nagandahan kasi ako sa cover may drawing… AYUN, tinititigan na lang lagi yung cover picture (hahaha!)). Nambabagsak yan kung talagang bagsak ka.
Pero sa partido, siya nagparealize sa akin na dapat lagi kang may BACK UP PLAN. You might think it’s korni pero effective talaga, hindi nga lang applicable sa girlfriend o boyfriend. (pa – try mo sa boyfriend mo na magka – back up boyfriend siya sa’yo, hahaha saket diba) HAHAHAHA.
++
Prof. Roberto Ampil – laging fast yung phasing ng communication namin ni Sir, pero siguro natutunan ko sa kanya, be sensitive to the things you say (actual at lalong lalo na pag written), at maging maingat sa lahat ng taong makikilala mo – (one cloudy day at the back of the Main Building). Wala akong masyadong mai – quote sa kanya o maalalang ekasktong sinabi niya sa akin, kasi lagi akong wrong timing pag kakausapin siya, at walang pag – uusap na nangyari sa amin na nakasabit sa likod ko ang aking BAG, kasi lagi na akong pauwi, o papasok pa lang. SO AYUN, may natutunan ako, PUT DOWN YOUR BAG WHEN TALKING TO SOMEONE (ewan ko ha, pauso ko lang to, pero I think it is a sign of respect too, I’ll defend my claim pag may time ako HAHAHAHAHA!)
++
Prof. Edmund Tayao – AYUSIN ANG PAPER, KASI KAHIT 100 PAGES PA SIGURO YUNG PAPER NIYO SA KANYA, BABASAHIN NIYA YUN. Anyway, sa partido, naisapuso ko na ata yung salitang ACCOUNTABILITY at RESPONSIBILITY sa kanya; Maging responsableng lider, at WAG NA WAG MATAKOT HUMINGI NG ADVICE SA KAHIT SINONG TAO, kasi there are lots of things to learn just by asking someone.
ACTUALLY, may salita akong natutunan sa kanya just this last Sunday: INTRANSIGENCE na rinesearch ko pa sa “WordWeb” ko na ang ibig sabihin ay: The trait of being intransigent; stubbornly refusing to compromise.
… A WORD THAT I WILL NOT FORGET UNTIL THE DAY I DIE.
*** THANKS FOR EVERYTHING MGA “TATAY” KO SA GAP, at sorry po sa mga lapses ko.
SIGURO, pag pinagsama – sama yung natutunan ko sa kanila: ANG RESPETO, HINDI SINASADYA, HINDI NAMIMILI NG TAO, KASI LAHAT NG TAO, DAPAT RINERESPETO && MAGING TAPAT AT TOTOO SA LAHAT.
++
GAP, or the Grand Alliance for Progress – (mahaba pag inexplain ko lahat dito, sa dami ng natutunan ko sa lahat ng tao dito, lalo na sa founding members ng partido. I’ll devote another blog for this political party) – KOMPROMISO, COMPROMISE, may gitna sa bawat lahat ng bagay, puwedeng pag – usapan lahat ng bagay sa maayos na diskusyunan na kinukunsidera (may salita bang ganito, as in “CONSIDER?”) bawat punto habang rinerespeto ang prinsipyong pinaniniwalaan ng bawat isa.
SAKA TOTOO NA HINDI DAPAT MANGHUSGA NG IBANG TAO (o sadyang mali lang yung judgment ng Core that time to assign me as the STANDARD BEARER of the party, I love those memories), hahaha nagtiwala sila sa kung anong mabubuga at magagawa ng isang JOPET, so ayun, pinatakbo akong Presidente last ABSC elections, sa awa ng Diyos, TALO. (hahahaha!) Pero the experience, THE BEST. Pero mas best yung TIWALA na isinakripisyo nila sa para sa akin.
… Patakbuhin mo ba naman sa ABSC e yung bata na nung 1st year siya e hindi nagpapapasok dahil maraming pinagdadaanan, naka – army cut na hindi mukhang pang – army, pang adik siya (dapat kasi marami akong oras e para malagay ko yung picture), BLING BLING na hikaw, gangster na polo , tambay tambay etc.
… Pero habang lumalaki siya sa PolSci, ayun, nahahawa na sa mga kaklase, pinahalagahan yung pag – aaral ng kolehiyo (pakonte – konte), napagtantong hindi tumatae ng pera nanay sa Kuwait (ayan nakarma tuloy ako, nawalan kami ng pera), nagbabasa na ng required readings…
… TAPOS AYUN, may calling ata maging LEADER.
Nakalimutan niyang Student Council pala siya nung High School siya at may kakayahan talagang maging lider.
(*reminiscing* You know, tough guys do reminisce sometimes.)
NAGAMIT KO YUNG PRINSIPYO SA MARAMING BAGAY AT NAGING PARTE NA SIYA NG COLLEGE LIFE KO: SA PAKIKISAMA PERO NARERESPETO PARIN ANG PANINIWALA NG ISA’T – ISA, SA PAMILYA,SA THESIS AT SA LOVELIFE , (at hindi to ang dahilan sa failed mga love life ko ha, maybe it’s not me, it’s you! (hahahaha!))
PS: Sa lahat ng tao na nagsasabing “*&*(@&(#$&#@ compromise” at kung anu – ano pa, and to those who are claiming that they don’t (OR NEVER) compromiseD, OH CMON, you’ve compromised even ONCE in your life; and FOR THE RECORD: it’s never true na lahat ng bagay dapat idinadaan sa kompromiso, kasi may mga bagay na hindi nakokompromiso, at kami rin, ang mga taong lubos na naniniwala sa prinsipyo ng “KOMPROMISO,” ay naniniwalang hindi lahat ng bagay ay puwedeng maigitna (a very good example, yung Biblical story tungkol dun sa judgment ni Solomon sa dalawang babaeng nag – aagawan sa isang baby, “AKO ANG NANAY NIYAN” drama. ano yun, hahatiin? BATA? Puputulin sa gitna?) pero as much as possible, kung pwede naman talaga - for the benefit of the arguing or non – arguing parties, opposing or non – opposing parties: edi GO.
Dahil diyan, pa hashtag muna (hahaha) #justsaying #peace #NoWar #explainingmypointofview #NoMaliceIntention #justexplainingwhatiknow #hindinagmamarunong #taolangpo #letscompromiseiftheargumentoranythingthatcanbesubjectedtocompromise #NoHateJustLove
KASI KASI KASI… baka may mag…
… Segue lang: ANOTHER THING (ETO SERYOSO): please naman o, wala naman na magpPM sa akin na anonymous, sa e – mail man o sa text, na nakalagay lang e yung LINK ng mga definition ng COMPROMISE na hinango lahat sa American politicians at analysts. Naresearch ko na yan nung 3rd year High School ako, nung laging ginagamit ng isang kong teacher sa Don Bosco yung salitang COMPROMISE. OKAY. PAKIUSAP na lang po. I LOVE YOU ANONYMOUS SOMEONE, bigyan mo na lang ako ng tanong na pwede kong i-blog, okay rin lang kalokohan, para naman matest creativity ko at the same time nagiging faithful ang magiging sagot ko sa tanong mo.Ililbre pa kita ng mga TSAA sa kabilang street ng ANTONIO. Hahaha. OKAY PEACE. MWA.
* Saka pwede naman kasing lumapit sa akin, hindi naman ako nananakit e. DIBA NGA, DON’T JUDGE PEOPLE BY THE WAY THEY LOOK. hahahahaha!
Ayaw ko na pag – usapan ‘to, sobrang sensitive, mas sensitive pa sa ilong kong laging nagdudugo. Baka kasi isipin ng ibang tao, “NAMUMULITIKA” ako. Hindi dapat ganun chong, (kakaen lang ng Siomai kasama mga tao sa ibang partido, SPY na agad? Hindi ba pwedeng friends niya talaga yun mga kasama niya simula first years pa lang sila, noong mga panahong wala pa sila kulay at gutom lang talaga siya at walang kasama? Pupurihin ang mga tao galing sa ibang partido dahil sa maganda nilang nagawa, PLASTIK na agad? Hindi ba pwedeng proud lang talaga siya para sa taong yon? Pag nangheram ba ng lapis yung kaklase mong taga kabilang partido, SISIRAIN niya na agad yun? Hindi ba pwedeng wala lang siyang pambili dahil mahirap lang siya? (like me?) hahaha. OA yung example pero diba?
… THINK ABOUT THAT.
++
++
++
PROF. ZENIA RODRIGUEZ - (I call her Ma’am Zee or Ma’am Zen for short, kahit yung iba): PINAKATUMATAK SA ISIP KO YUNG “YOU CANNOT BLUFF YOUR WAY AROUND ME, MR. PESIGAN” o “ (hindi ko sure kung tama pa yung quote kasi 1st year yan, unang recitation ko, tapos natatae pa ako, FOR REAL. One of my scariest days in PolSci na ayaw ko na maulet.) && “DON’T BLUFF, PESIGAN, YOU’RE WRONG, FROM THE VERY START.”
LESSON: wag mambola ng sagot, lalo na pag objective yung dapat mong isagot. Hindi mo naman lininigawan yung tanong para bigyan ng sagot na maayos e. Ganyan ako dati. SANA NAGIMPROVE NA AKO NGAYON.
MAGBASA! Kung kayang cover to cover, edo GO, nobela nga pinagmamayabang kong nacocover to cover ko, tapos mga academic readings, hindi kaya. In short, BAWAL TAMAD! Hindi sa lang sa PolSci, pati paggising sa UMAGA!
~AYAN. Mga incoming college students diyan. IBAHIN ANG HIGH SCHOOL SA COLLEGE OKAY?! Talagang hindi sila magkapareho,
* NOBODY’s gonna coo you in College *
(hahaha!) PATI LAST , bago ko makalimutan, na una kong narinig sa kanya nung una naming meeting, nung nagreci naman ako nung 2nd year, na super napahiya ako sa liniligawan ko (nasa classroom din kasi) “DON’T STATE THE OBVIOUS, MR. PESIGAN.”
Kasi parang yung sinabi ko ata nun sa reci e ang katumbas ay “apple is red.” Maasar nga yung Prof.
++
MA’AM AISSA: May she rest in peace with God the Father in heaven. NAGTURO MAGING TOTOO SA SARILI AT SA NARARAMDAMAN.
++
ATTY BONG LOPEZ: Translated tong line na to (not in exact words, actually, this line was delivered using our lingua franca (maiapply lang yung salitang lingua franca…
… yung TOTOO nalilito ako kung TAGALOG o FILIPINO ba ang tawag sa opisyal na language natin, naguguluhan ako kung dialect ba siya…
… SORRY PO TAO LANG medyo takot akong magkamali kasi baka may nagbabasang bata, pero try ko: FILIPINO (malamang nag alt+tabako at tinayp: GOOGLE.com)
… parang ganito yun e :”FORGET THE PAST, DON’T THINK TOO MUCH ABOUT THE FUTURE, JUST LIVE BY THE MOMENT.”
++
*** SO KUNG YUNG MOMENT DAPAT NGAYON E MAG – ARAL, dapat bang isabay pa sa pagbblog? GRADUATING STUDENT KA PA NAMAN JOPET (shet nagiging GOLLUM na ako ng Lord of the Rings! hahahaha K KORNI, segue lang naman e).
Pero ang ibig niya siguro sabihin diyan, mag – enjoy at gawin ang dapat gawin na inihanda sa’yo ng Diyos… tapos dapat masaya ka.
… NAIISIP KO YUNG TIPONG PAPASOK KA NG SCHOOL TAPOS PAPUNTA KA NA SA BUILDING NIYO TAPOS NAGKAKAROON NG BULAKLAK, RAINBOW, FEATHERS yung mga naapakan mo. SO LOVELY. (pero siyempre katangahan lang yun, wala naisip ko lang, gusto ko lang itype.)
Pati yung sa eulogy niya kay Ma’am Aissa (I miss her and her lugawan BTW), yung kinanta niya para sa colleague niya, tinweet ko to e pero I am not sure If I got it right, naiiyak kasi ako that time e, parang ganito siya: “ANG BUKAS NOON NGAYON NANGYARI NA.”
To end this entry, (kelangan ko na bumalik sa pag – babasa at paglalaba ng uniform na gagamitin ko mamayang 9am! Tapos 4 na pala! Tapos umuulan pa! sapilitang pagtutuyo gamit plantsa?!) siguro yung natutunan ko kay Atty. Bong Lopez kanina habang nakatambay ako sa Antonio yung ipapanapos ko:
ATTY. BONG LOPEZ:”WALA NAMANG MAHIRAP E, BASTA MAG – ARAL KA.”
++
… AND YES, IT OCCURRED TO ME, JUST RIGHT ABOUT NOW: OO nga naman, ang haba ng panahon at oras, bakit sasayangin mag – blog sa oras ng pag – aaral?! TAMAAN DIN KAYONG NAGFFACEBOOK, TUMBLR, TWITTER at MULTIPLY, nakakakain talaga ng kaluluwa yang mga yan. Di mo alam na nalagas na pala ang oras mo. Tapos pag - inassess mo kung anong ginawa mo sa FB, ayun, nakipag - chat sa kasama mo rin kanina, kinuwento niyo lang sa isa’t - isa yung ginawa niyo nung magkasama kayo kanina, gumawa kayo ng summary ng pagsasama niyo tapos sagot - sagot sa mga wall posts ng kaibigan mo kahit non - sense naman yung pinag - uusapan minsan. Diba sayang talaga sa oras?
… Maghihiwalay na kayo ng karelasyon mo, hindi mo pa alam kaka - stalk sa crush mo at kaka tingin ng mga bagay na pwedeng bilin (online shopping) sa Multiply… KAHIT HINDI KA NAMAN BIBILI.
And OOPS I forgot to add… FRIENDSTER (the networking site deserves a big combo: ITALIC, BOLD and UNERLINE, FONT SIZE and FONT STYLE)
….oi marami akong TESTI jan?
… remember the lines “PAHINGI NAMAN NG TESTI.” Na minsan may please pa at todo PM pa na TEZTI NAMAN JAN O PLEASE!
NOSTALGIA (2 seconds and more)…
naalala mo? KINILABUTAN KA NO?! (hahaha)
pati yung CHONG, PAGANDAHAN TAYO NG PROFILE MAY SOUNDS YUN AKIN UGHHHHH hahahaa.
oh those were the days.
++
*** MY MOM ASKED ME TO RESEARCH THE WORD “SWAGGER,” lagi na siguro niyang lumalabas sa bibig ko, pati nga sa mga blogs ko daw e, pati laging binabanggit ni ASTRO (contestant) sa XFACTOR.
SIGE DEFINE NATIN USING THE SUPER NICE WORDWEB:
VERB: SWAGGER (swa-gur) —à ngayon ko lang nalaman pronunciation hahaha
1. To walk with a lofty proud gait, often in an attempt to impress others
“He swaggers around like a rooster in a hen house”
2. Discourage or frighten with threats or a domineering manner; intimidate
3. Act in an arrogant, overly self-assured, or conceited manner
NOUN: SWAGGER
1. [Austral] An itinerant Australian laborer who carries his personal belongings in a bundle as he travels around in search of work.
2. A proud stiff pompous gait
ADJECTIVE: SWAGGER
1. (informal) very chic
OKAY ANOTHER REALIZATION: BE CAREFUL IN CHOOSING WORDS. HINDI PORKET USO, GAGAMITIN NA. hahaha!
BUT Still, “tol, SWAG yung laban natin sa basketball kanina, SWAGGER moves ka kanina sa lay – up mo; Galing mo sumayaw, SWAGGER ka the best!; Galing mo magsalita kanina, SWAG!; Yes ang angas ng SWAGGER dancing pants mo!… BLAH.
THE FACT IS: I can’t forget the word. HAHAHAHA.
++
BAVARIAN! (beki word for saying BUH BYE).
PS: I JUST GAVE MYSELF AN IDEA FOR MY NEXT BLOG ENTRY. Hahaha.
BOUNCE(with matching “SWAG FACE and hand gestures) na nga lang, para lalakeng lakake, gangster gangster.
BOUNCE! or yung pinakakorni na narinig ko sa mga tambay dito sa amin after gang meeting nila nung bata pa ako. (sorry nagsasabi lang ng totoo): KALAS NA CHONG, BONE THUGS KALAS!
++
Dagdagan ko pa pag may time ako.
*daming typo error hahahaha wala nko time magedit next time na lang
(pag binasa ko to bukas malamang may mga parte na hindi dapat sabihin, nasabi ko na. HAHAHA. The problem with being too spontaneous.)
BABYE NA TALAGA.