OKAY, una sa lahat, ngayon lang ulet ako nag - blog, after 3 years, sa multiply pa yung dati, e tamang tama wala na akong magawa sa mga natitira kong araw ngayon sembreak. Magpapasukan na… at yun ay kung makakapag - enroll ako for the last sem of my college years, sobrang hirap ng buhay ngayon hindi kami pinalad na magkaroon ng maraming maraming pera, tas yung mga tumutulong sa amin dati, may mga financial problems din.
… and OKAY,may mga planner ako dati na pwedeng gawing diary pero pagdating ng February, wala, nakatambak na lang, ipitan ng mga papeles at resibo. Kaya i decided to do some public journals, kasi tulad nung sa Tatay ko, na hindi ko naman nakita kasi May 3, 1990 siya namatay at pinanganak ako ng December 11, 1990, e hindi naman nagsusulat ng mga ganito ganito, puro sa kuwento ng Nanay ko pati sa mga Tita ko lang nakukuha yung mga kwento sa kanya ng buhay pa siya.
AYAN, kaya ako gumagawa para at least, awa naman ng Diyos at wag naman sana ngayon, na kung mamamatay ako, e may maiiwan akong mga kuwento ng buhay ko na sa akin mismo nanggaling at hindi sa bibig ng iba, may dagdag bawas kasi mamaya sabihin nila jejemon at bakla ako nung nabubuhay pa ako (hahahaha). :))
TAGALOG code switching din ang gagamitin ko sa mga blogs ko para ma - express ko sarili ko (pakyu Jopet di ka lang marunong mag - english hahahaha).
Magpopost din ako ng mga tula ko, (okay may mga english akong nagawa hahahaha) para mabasa niyo. Pag wala kasi akong magawa e sulat lang ako ng sulat ng kung anu - ano sa mga papel sa tabi ko, tapos ayun, nagmamatalino, pasulat - sulat ng mga linya, tas pag okay na yung paksa e tuloy - tuloy na.
Kahapon, tinawag ako ng Uncle Monching ko sa bintana, mga 6am na yun, hindi pa ako tulog nun nanunuod ako ng Boardwalk Empire. Yinaya akong lumuwas ng Batangas, sasabay kaming dalawa sa kotse ng Tita ko kasama mga pinsan ko at iba ko pang mga Tita.
Ayun, bumiyahe kami, as usual sobrang boring, mga kasama ko extreme na bata at extreme na matatanda, ako lang ang gitna, kaya titig - titig lang sa daan. Kung wala si Uncle Monching at Aunt Chona sa sasakyan, na sobrang lakas mambully at magpatawa, patay na ang biyahe. Stop - over sa Jollibee sa Tagaytay, na tinake - out namin, tas wala daw silang kutsara at tinidor kase TAKE - OUT daw. Patay ‘tong Jolibee Tagaytay kay Vice Ganda pag umorder siya dun (hahahaha!).
ARRIVED 08:10 AM. Pagdating namin sa amin, sa PUTOL, TUY, BATANGAS (hanggang ngayon malaking tanong ko parin sa sarili ko kung bakit Putol yung pangalan ng Barangay namin dun at kung bakit yung TUY e tu-wehang pagbibigkas ng mga tao dun). As usual, naglinis naraman yung dalawa kong Tita ng bahay, kasi kung hindi sila gagalaw, wala ng gagawa nun. Walang magawa dumayo muna ako sa mga pinsan ko dun, kina MacMac, tas kumain tas kwentuhan magdamag.
Pagdating ng pamangkin kong si Carky, ayun nag - trip na kami, buntis na yung Mama niya na pinsang buo ko, baby girl daw, YEHEY may bunso naraman sa napakalaking pamilya ng Pesigan. Nagpabili si Uncle Monching ng tig -dalawang case ng San Mig Light at Pale Pilsen (etong Pale Pilsen kahit ilan maubos mo hindi ka malalasing e, babaho lang hininga mo at mabubusog ka). Andun din si Blue, yung pamagkin ko rin, kaso busy sa pagpapaayos ng gulong niya.
Wala kaming magawa sa bahay sobrang boring nakakamatay hahaha buti na lang laughtrip mga kwento ng mga Uncle ko at ng Auntie Chona ko kaya hindi parin patay ang event.
TEKA BAKIT INUMAN, e PATAY nga ang pinunta sa Batangas? Kultura na kasi ng mga tao dito na pag nagkikita - kita e nag - iinom na lahat, hindi naman alcoholic pamilya namin, yung iba lang talaga hahaha. :)))
Sa sobrang wala kaming magawa ni Carky, nag – video kami ng mga kaboringan videos namin, tungkol sa ref dun, kung friendly ba yung mga kalabaw, nagmukhang tanga sa maisan at marami pa, sobrang laughtrip hindi namin namalayan na ang bilis ng takbo ng oras. Nakatulog kami ng tatlong oras tapos ginising kami para pumunta na sa Gethsemane, kung saan nakalibing yung tatay ko.
Pagdating naman dun, boring paren, e lowbat na yung camera ko kaya wala na kaming trip. Tinirikan ko na lang ng kandila yung mga patay naming dun tapos medyo kinausap ko yung Papa ko, nagpasalamat at kahit papaano, nabuo parin nila ako ni Mama bago siya maheart – attack sa poso nung Fiesta sa Batangas, May 3. Hindi ko na trip magbilog ng mga kandila dun kasi hindi na ako natutuwa, grown – up na kaya ako, linalaro ko mga tipaklong na, pinuputulan ko ng paa tas pinapakawalan ko (hahaha!)
Umuwi kami mga 9:30pm na tapos umaambon pa, kaya may sinat ako ngayon. Salamat sa Diyos at nakaluwas parin ako sa Batangas, hindi naman kasi trip ang dahilan para umuwi dun e, kasi dadalawin ko yung Tatay ko. Minsan pag kinakausap ko siya sa puntod iniimagine kong sumasagot siya, kaso ang korni kasi hindi ko naman talaga nakita at narinig yung boses niya. MALAMANG, malambing yung boses niya kasi purong batangueno yun. J LAHAT sila dun malalambing.
“ABA’Y PUTARES NA BATANG IRE A PAGKAKAGUWAPO E”
“PAGKAKAGARO BA NIRE KALA MO NAPUPURE?”
Eto yung mga videos na ginawa namin dun, marami kaso yung iba baka di kayo makarelate haha (nasa facebook to ewan ko lang kung makikita dito link lang e):
FRIENDLY BA ANG MGA KALABAW?: http://www.facebook.com/photo.php?v=2573938505569&ref=notif¬if_t=like
“THE REF” this NOVEMBER in CINEMAS (ngo-ngo ish yung boses ko dito “NGUSTO KO MALAMEG NA NGUBEG NGARNGY”): http://www.facebook.com/photo.php?v=2574083229187&set=vb.1167503872&type=2&theater
ANG MAGTANIM AY DI BIRO (mungtanga lang Jopet just die skroo you): http://www.facebook.com/photo.php?v=2573858743575&set=vb.1167503872&type=2&theater
SHOTS:

sa Jolibee Tagaytay

“people should not mess with the dogs when they are making love.” JUST FOR THE RECORD, skroo me em sorry. ;)))

foolin’ around with Uncle Monching, yan sobrang galing niyan magpatawa, natural na natural hahaha. :)

si Kalabaw na pinagtripan namin, medyo lang naman. :)

Lapida ni Papa
FERNANDO PORTO PESIGAN
AGE: 30
BORN: JANUARY 25, 1960
DIED: MAY 3, 1990
failed, mali daw sabi ni Mama, hindi daw siya 1960 at hindi daw siya 30 nung namatay, 28 daw.

one of My Favorite Uncles - Uncle Fred

eto pakanta - kanta rin kahit super super super husky ng boses ko hahaha okay lang yan, para mabasa yung soil mamaya sa ulan sa libingan ni Papa.

(L-R) Auntie Yollie; Uncle Monching, Uncle Fred, Kuya Bong and Auntie Chona

tirik ng kandila sa puntod ni Papa

so here’s my Father, Fernando, also known as “Nandy,” say hello to them. :) til next time!
Design by Simon Fletcher. Powered by Tumblr.
© Copyright 2010