BIG QUESTION: MUKHA BA TALAGA AKONG NAGBABASA NG LIBRO SA HITSURA KONG TO (dogyot mo dong malego lego ka na)
so. let’s see my hitsura over the years then you judge haha. :))
++
*na amaze ako na sa apat na taon, pa bago bago ang hitsura ko
++

late first year college, summer of 2009 (photo by Edvin Pesigan)

Jopet, 2nd year 1st semester (photo by Jd Semilla)

Jopet with Batas, hardcore FlipTop emcee

Jopet as the The Political Science Forum Public Relations Committee Head with Zubiri and Prof. Zenia Rodriguez (that pose so jeje) 3rd year College

Jopet as a Dream Team Member with Karl and Jeff all time college - sobrang - studious - friends (photo by Rennell Salumbre)

Jopet the BadBoy (photo by Rennell Salumbre)

Jopet the feeling-macho-one
“
Jopet with Ipe Gonzales, my all time tandem sa mga gantong bagay (now you judge by looking at my face hehehehe)

Jopet the tripper

present (8:00am): habang inaayos ko yung mga libro ko, pinicturan ko muna yung sarili ko hahaha Jopet the HOLY este hOILY one with that dirty bigote
++
YEP. hindi halata pero mahilig talaga ako sa libro. Yun mga nakakapunta nga ng bahay ko, nagugulat sa dami ng libro ko kasi nangongolekta ako. Ngayon lang naging matumal ang pangongolekta ko kasi wala ng pera, pag nagkatrabaho ako pangarap kong magkaroon ng napakalaking library, para masaya.
WALA NAMAN KASI SA HITSURA NG TAO PAGBABASA AT PAGSUSULAT E, hahaha
++
Nakakaadik kasi yung amoy ng libro, lalo na pag bago. Pati natutuwa akong hawakan yung mga pages, iba - iba kasi ng texture. Siyempre, hindi naman lahat ng libro ko ay nabasa ko na. May mga hindi rin ako natatapos, pag sobrang busy sa school o kung hindi ko na magets yung binabasa ko.
++

gumagawa ako ng paper niyan, pero ganyan siguro hitsura ko pag nagbabasa ako ng libro (UGGGGGGH yung mga comment nila Cha-Cha sa facebook dito sa picture na to comedy e hahaha)
++
Nung bago - bago pa lang ako mangolekta ng hardcore, nagagalet sa akin yung ibang kaibigan ko, puro daw ako “booktalk,” lalo na si Patty Deogracias, na makikipag kwentuhan sa akin tungkol sa libro, tapos pag sobra na ako kakakwento tatakpan na niya tenga niya tapos sasabihin ng malakas “BOOKTALK BOOKTALK.” Dito din kami naging close ng mga girl kong kaklase, sina Ap Ap Dizon, Jesha Villasis at Phyllis dela Rosa. Balak ko ngang gumawa ng book club namin pati ng iba ko pang kaibigan, para pag laglag na mga nigpen namin pag lolo at lola na kami e ganto ang bonding namin. Uso kaya sa Amerika yun, dito hinde e, mukhang fun. :)))

Ap Ap: wag kang paloko - loko jan may award yan sa Ustetika, mega hyper book talk ako jan! :))) i miss those times!

eto rin e, bago magklase Three Musketeers ni Dumas pinaguusapan namin e. Remember Jesh? :)

eto naman si Phyllis, tahimik lang yan pero yung nakipag - usap ako tungkol sa libro nung 2nd year kami, nung di pa kami close, ayun, daming nasabi. Nicholas Sparks ang alam kong idol niyan.
++
Tambay ako sa National Bookstore, Powerbooks at Fully Booked nun, pero walang tatalo sa BOOKSALE! tumatambay ako ng limang oras dun sa Pedro Gil Branch at Megamall, lately na lang sa MOA, hukay ng hukay ng libro. :)) Sa National minsan kulang pero pwedeng tumambay, nakatayo nga lang, sa Powerbooks sa Megamall the best (yung dating pwesto) talagang may lounge para magbasa, nakakatapos ako ng Bob Ong dun e nung bata pa ako. Natutunan ko to sa Bestfriend kong si Andrei Lim. :))) Nyeta ka tol bookworm ka paren sana ngayon!

High School Bestfriend kong si Andrei Lim
TAKE NOTE: “tirador ng kanin” yung caption nitong picture na to nung kinuha ko hahaha. :)))
++
Yung mga binabasa ko, halos lahat, fiction. Kaya minsan nag-iilusyon akong totoo yung mga nandun, lalo na pag Spanish Author yung nagsulat, naku mapapraning ka sa feeling mong in - love ka. Mahilig din ako sa history books na may picture syempre, at sa mga Essays, lalo na pag si David Sedaris nagsulat, laughtrip ka. Dun ko nga nacomprehend ng maigi yung mga jokes ng Kano, kasi iba yung humor nila, kaya diba minsan, pag nanunuod tayo ng American movies, di tayo natatawa tapos yung katabi nating foreigner sa sinehan tulo na uhog kakatawa? Historical Fiction din yung gusto kong basahin, yun yung tipong pag - bus at jeep na libro pag papasok ako ng school at uuwi, ang bilis kasi ng phase ng storya talagang nahu - hooked - up ako.
David Sedaris (photo Retrieved at: newyorker.com
++
Naisip ko ngang mag - shift sa AB literature dati, kaso napamahal na talaga ako sa Political Science. Kaya kung hindi ako makakapag - law school sa mga susunod na taon, magMA ako, Literature naman kukunin ko. SANA. :)
++
Sa PolSci sobrang daming binabasa, mga Political Theories nung early years namin tapos pagdating ng third year, Political Thought naman, naging interisado ako sa political philosophy lalo na kay Aristotle sa Political Thought I, kasi maganda yung librong nabili ko nun sa kanya ginanahan akong basahin pati si Plato. Yung iba nakinig na lang ako sa mga recitation ng kaklase ko at sa discussion ni Sir Dennis Coronacion tapos pag napag - interesan kong basahin, babasahin ko ng maayos, pag hindi, ayun tamang notes-notes na lang pati highlight sa mga libro. Matindi naman nung Political Thought II na hinawakan ni Sir Ed Tayao, political philosophy: Hegel yung pamatay dun, pero hindi ko makakalimutan sina Nietzsche at Foucault, yun kase yung paper ko sa kanya nun. Sa takot kong matawag sa recitation lahat ata ng libro, kung di matatapos e malapit ko namang makalahati, para merong maisagot pag natawag.

polsci readings di ko na naayos sobrang gulo na at magalbok wala pa kasi akong maayos na book shelves

Ayan, Political Thought 1 && 2 books ko under Prof. Dennis and Prof. Ed. Pinakabinasa ko diyan yung nasa gitnang Aristotle pati yung mga Nietszche, kasi dun ako matatawag. the rest puro scan scan lang. Yung iba nalibang ako ng sobrang tulad nung The Prince ni Machiavelli, Madness and Civilization ni Foucault pati yung unang pages ng City of God ni St. Augustine na dating sinner hehehe. :)) yung iba supplementary.
ATTENTION : pakibalik na po yung iba hehehe
++
Yung iba kong libro, bigay lang sa akin, tapos may tatlo o apat na pirasong hiram na hindi ko maibalik kasi hindi na kami nagkikita (Ap o kung sino mang 1POL4 dati, sino nga ba yung girl nating friend na mahilig sa libro? Kanya yung mga nanditong hindi pa nasosole e) SALAMAT sa mga nagbigay at nagpahiram, sina Mama (yun mga pinadala niyang the five people you meet in heaven waaaay back then), Jopoy (3 musketeers and yung green na book i forgot the title given to me nung 18th birthday ko, Monique Pesigan (TMTM), Dave Cervantes TMTM), si Cyril Santiago (TMTM), Cayrone Lim (OBAMA BOOK and Clancy), Maricor “TITA CONG” Santiago (the best history book with pictures), Robin Ramos (yung mga pambata nyang libro) at yung mga hindi ko namention I LOVE YOU MUAHHH! talagang dati yung nagsisimula pa lang ako mangolekta talagang nagtetext pa ako nangungulet na makipagmeet para lang makuha ko yung mga libro hahaha sorry na!

bigay ni Robin Ramos, tropa ko sa UST

yung “Defining Moments in History” regalo saken yan nung 18th birthday ko grabe tuwang - tuwa ako niyan thanks Tita Maricor! isa to sa mga favorite kong libro! :) Yung Rise and Fall of the Great Powers, lately ko lang naappreciate, ginamit namin tong reading sa ForPol ni Sir Dennis, kulang sa oras pag babasahin mo ng direstso e.
++
Si Mama ko, bookworm talaga. Pag nagtanong ka kung anong kwento ng libro, magagalet siya “eeeeeh basahin ko kasi!” hahaha sa kanya ako nagmana sobrang adik sa libro. :)))) tanda ko pa nung Harry Potter moments namin dati nung umuwi siya galing Kuwait nung 2nd year High School ako, ang bilis magbasa, tapos maalaga din siya sa mga libro ko, yung mga walang cover at gusto na niyang basahin, pinaplastik niya pa para lang madala sa bag.

isa sa mga favorite ni Mama, wala pang plastic cover yan kaya pag dinadala niya sa trabaho, nakabalot sa plastic. :)
++
Nalulungkot ako pag may mga nanghihiram tapos hindi binabalik, kaya alam ko yung feeling ng mga hiniraman ko dati na hindi ko pa nasosole yun mga hinihiram ko, kaya yung mga Coelho ko ibalik niyo na. SRSLY hahahaha. di pa nga makabili ng Aleph kasi walang pera e!
may nanghiram ng ganto ko (Retrieved at randomaurora.wordpress.com) yan tuloy! copy paste lang yung picture! hahaha
eto o, di ko mabili wala kaseng pera pa hahaha (Retrieved at apple.itunes.com)
++
Nalulungkot din ako kasi hindi ko na sila kayang balutan isa - isa, dati inaamoy amoy ko pa dati tong mga to, ngayon di ko na sila masyadong nakaka - bonding (OA) hahaha. :))
++
Pag magbabasa kayo at ayaw niyo agad makatulog, wag kayong hihiga, o kaya pag nakaupo naman, wag kayo masyadong mag indian sit, kasi mangangalay yung paa at binti niyo (nagbigay ng tip anong feeling mo Jopet? hahaha)
++
yung mga teachers at professors ko dati na nag - inspire sakin magbasa, hindi ko talaga kayo makakalimutan:
DON BOSCO TEACHERS:
Mrs. Dy, grade 5 teacher ko, english tagalog pinapabasa sa amin nito, with feelings and action pa pag nagkukuwento, tapos pababasahin kayo ng short story sa harap, tapos ang sweet sweet pa kahit matanda na, nung grade 6 ako namatay siya, kaya namiss ko siya sobra. Siya nagpabasa sa amin ng The Little Prince.
Mrs. Carmen “Nanay” Besario - Nanay ko sa Florante at Laura at sa Ibong Adarna, na nagagalet sa akin pag linalaro ko yung mga scenes pag may reporting. Nagulat din siya nung hiwakan niya ako nung naging Student Council Adviser siya nung 4th year ako. Magulo kasi talaga ako hahaha love you Nanay Bes you’re the best muaaa!
Mrs. Ramos - Noli Me Tangere, gustong gusto ko yung reporting niya, taas magbigay panalo! :) tapos kabisado pa yung Noli pag nagkuwento tagos sa puso lalo na yung scene ni Elias, yung “hindi ko man makita ang “BUKANG LIWAYWAY keme”
Mrs. Samonte - Nanay ko to sa El Filibusterismo, na gumawa pa kami ng documentary ako yung nag - host with Matt Mendoza, my voice’s shit as hell, 1hr 30 mins pa naman yung video hahahaha! Cute pa ni Ma’am at ang sweet sa mga bata. :)
Mr. Varona - natatandaan ko yung natutunan ko kay Sir e mga Haiku, na sobrang purihin ako sa mga gawa ko kahit panget hahaha love you Sir! pati mga Indian Lit siya ata Master neto, talagang pag nagkuwento lalim ng boses tapos fluent pa mag english.
Ma’am Che Ocampo - adviser ko nung 3rd yr HS, Beowulf Canterbury Tales master neto e pati Shakespeare, sinali pa niya ako sa literary competition, yung recital na nakacostume ka, mungtanga nga ako nun e, ako si Shakespeare, tanda ko pa yung ibang lines, di ko lang tanda kung anong sonnet to:
“SHALL I COMPARE THEE TO A SUMMER’S DAY?
THOU ART MORE LOVELY AND MORE TEMPERATE.”
Ma’am Cylie Litao - na hindi marunong magalet sa amin, one time nagalit sinabi niya lang “YOU INSENSITIVE JERKS” sabay walk out. specialty niya greek and roman mythology. :)) Tapos quiz 1 - 5 ata o 1 - 10. :)) si Ma’am Reforzado rin sa mythology, na napaka fluent mag english tapos momonologue pa minsan ng mga characters. :)
UST PROFESSORS
Ma’am Zenia Rodriguez - unang Prof. kong kinatakutan at rinespeto ko sa PolSci, dalawang 60 ako sa reci kahit nagbasa ako. “READ BETWEEN THE LINES and YOU CAN’T BLUFF YOUR WAY AROUND MR. PESIGAN” siya nung first year sa akin, ako naman kamot lang ng ulo at minsan nangungulangot sa reci. Nakita niya akong nag - evolve (yes pokemon pala ako), kasi nung 3rd yr at 4th year, I got some good grades in her subjects na. SPARTAN TRAINING yung ginamit niya sa amin. Try niyo siya maging Prof. mapipilitan kayong magbasa - at gagaling kayo. (aminin niyo po yan Ma’am nag - evolve talaga ako! hahaha! sana this sem din)
Sir Coro (Sir Dennis Coronacion) - tatanga - tanga rin ako dito nung first year e nag - reci ako ng sakit - sakitan may KOOL - AID pa ako sa ulo, pinagtawanan lang ako e hindi naawa. :))) hahaha pero nag level up din ako sa kanya nung Foreign Policy at Political Thought I ng konting konti. Bawal din hindi nagbasa tatawanan ka tapos 60 ka, tapos siyempre pag nagquiz, wala kang maisusulat. 9/100 ako sa kanya sa ForPol nung Prelims, binawi ko lang nung Finals.
Sir Edmund “Sir Ed” Tayao - OO! naging Prof ko siya ng 3 sem. yung PolTotII ko sa kanya, talagang nagbasa ako. highest ako sa dalawang quiz YEAAAH tapos nung PolDy muntik na akong maPOLDIE kasi natatakot ako sa kanya sa reci. Sabi niya wag daw matakot kung nagbasa, ayun, naka 90 naman ako sa reci yehey! Favorite niya ata si Nietzsche kasi nung nagreci ako sa kanya tinatanong niya kung anong libro at kung anong page, buti nalang alam ko. Kaso bad yung last sem ko sa kanya. Hindi naman tungkol sa libro pero ayaw ko na pagusapan. Siya nagsabi sa amin nung 1st meeting na (in english to ha, di ko na tanda e, basta parang ganto): “hindi ka makakalangoy kung hindi ka pa nakaranas lumangoy, hindi ka makakapag - drive kung hindi ka pag nakakaranas magdrive, at HINDI KA MATUTUTONG MAGBASA, KUNG HINDI KA PA NAGBABASA, O KUNG HINDI KA TALAGA MAGBABASA.”
Sir Ferdie Lopez - 1st sem ko naging Prof. Siguro siya na ang pinakamagaling magturo sa lahat ng nanjan. May costume pa siya pag nagtuturo. Class niya sa amin 1 hour and 30 mins, late siya pumapasok pero PUTCHA (sorry for the word) sobrang galing niya punong puno yung board. Yun nga lang pag nagpaexam, sobrang tricky natatanga ako. :)) One time nahuli pa kaming nagccut, di kami pinagalitan, hindi rin kami binagsak ng mga tropa ko kasi nag - aral kami for finals at nagqquiz naman kami. One time nagcostume kami ng pang - indian, gagawa ng headgear tapos ggrade - an niya kami, the best. Sayang isang sem niya lang kami hinawakan. BAKA MAPASHIFT AKO SA LIT kung nagtagal ko pa siyang Prof. sa Literature. Siya yung tipong pag binasa mo yung selection/reading na required, tapos pag linecture niya, sobrang saya ng feeling para kang nasa Harvard. Pag di ka nagbasa mamatay ka na sa takot at pag tinawag ka niya, tapos tulo laway ka lang, hindi siya magsasalita, pero feeling mo gusto niyang sabihin na “LABAS!”

pag naging prof mo si Sir Ferdie tas pinanuod niya sa inyo to, i-try niyo ring basahin! naging favorite ko to!
Ma’am Irene Lising: si Ma’am Irene na nakilala ako sa pangalang JONATHAN. tapos nagiging JONAH ang baklang kalbo. Pina - act niya kasi sa amin yung The Conversion ni J N Garcia (thanks Rohj for reminding me this one) tapos ako gumanap. Sumayaw ako ng “When I Grow Up” ng pussycat dolls. Tapos yung scene na linulunod ako, tapos pinapaamin ako kung lalake ba ako o bakla, sa pangatlong angat sa ulo ko sabi ko “SIRENA AKO.” More clap clap talaga siya. hahaha!
Sir Galan - Eto si sir expertise niya yung mga plays, alam niya lahat, natandaan ko nga yung WAITING FOR GODOT e. hahaha. nanuod pa kami ng play sa CCP kasama niya. stage play enthusiast siya tas ang alam ko e nagjujudge siya ng mga contests. Jeanette Winterson yung author na natatandaan ko sa kanya. Yung “Art Objects,” pinabasa niya sa amin yun, at at naappreciate ko naman. Ang mahal ng mga libro ng author na to, gusto ko pa namang bilin ung “Sexing the Cherries” hahah. :))

ayan nakabili ako ng isang libro ni Winterson sa booksale! :)
Ma’am Nerisa Guevara - eto isa pa sa favorite ko. ACTUALLY lahat naman sila naging favorite ko e. :) Pero iba tong si Ma’am e parang kasing tanda lang namin kung magturo tapos yung activities panalo. Nakakangalay nga lang sa paa yung recital namin ng MEDEA, di siya na - bored! Talagang pinakinggan niya kami! Si JOLIV CATIIS pa yung bida ewan ko kung bakit hindi napagod to haha! Isa lang ako sa mga background voices dun, yung chorus, tapos yung patapos na nautot pa ata ako dun tas mejo nasira yung play kasi may nagtawanan (okay inamin ko na hahaha) eeeew.The best pa yung chapter per chapter approach ng pagtuturo niya sa Oddysey, Iliad, at Aeneid. Nung second sem nga lang medyo tinamad ako kasi Dante Alighieri yung exams, not following instructions pa ako nung prelims kaya nawalan ako ng gana. Pero yung discussion niya yeaaaa! YOU ROCK ang datingan. Hindi pa nambabagsak basta pumasok at magpasa lang ng reqts.
++
AYUN MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT. SA BIRTHDAY KO HA, ALAM NIYO NA REGALO DECEMBER 11! (pakyu kapal ng mukha mo Jopet ginamit mo blog para ipaalam birthday mo at makakuha ng maraming libro hahahaaha).
++
MORE PICTURES:
classics yan. Nung bata ba kayo rinecite nyo mag - isa yung Annabelle Lee? :) AKO OO. :)) 
++

ang nag - iisa kong Haruki Murakami, bigay pa.
++

yung blue na libro padala pa ni Mama yan, yung Dianetics, bigay ni Cayrone, yung Dapitan, libre yan sa UST ang alam ko e.
++

Macbeth in Venice angas ng style ng tula niya Logan. Book sale rin lang to.
++

Sino ba namang bookworm ang hindi makakakilala kay Chinua Achebe?
++

Fulghum - masarap to basahin pag bagong tapak ka sa college. Even Atty. Bong Lopez recommends this one.
++
hindi pa to bukas, nabili ko nung sale sa Powerbooks 50 pesos lang ata o 100.
++

David Sedaris’ collection of essays. pati may isa pa yung shiksa Goddess pero di ko pa nababasa, ibang author e. MAy 2 books si Sedaris na wala ako.
++

FOR THE GIRLS. I mean, mga babae yung author niyan pero yung readers pwede kahit sino. kasi hindi naman pang chicks yung storya. Yung kay Ozick okay din yun, yung Anne Frank boring siya ng konte, yung Daughter of Fortune ni Allende maganda.
++

eto ang pang chicks hahaha yung gitna lang yung nabasa ko kasi 3 stories yun. Yung Meg Cabot sabi ni Mama maganda daw, yung nasa right sabi ni Ap maganda rin.
++

nakakadugyot mag - ayos!
++

dalawa pala lang nababasa kong Grisham pero alam ko yung mga titles ng libro niya kse lagi ko nakikita sa mga bookstores. :)
++

para sa basic knowledge ko ng mga bagay bagay. :)
++

mga Chinese Authors ko, Si Anchee Min pa lang nababasa ko sa kanila, yung Empress Orchid pati yung Last Empress, tapos ngayon yung Becoming Madame Mao. :)
++
poetry book ni Mark Haddon, kakaiba paggawa niya ng tula.
++

never heard na libro ni Charles Dickens
++

sino ba namang hindi gaganahang magbasa ng Historv ng Greece pag sobrang dulas ng papel at colored may picture pa happy diba?!
++

yung loob ng history book. :)) kung bakit daw pula si Santa. :)
++

para sakin eto ang the best na Pablo Neruda sobrang handy nya. :)

++

yung isa bigay ni Dave, yung isa kay Ate Dianne, di ko pa nasosole yung isa.
++

reference ko pag nagfifeeling akong gumawa ng script hahaha!
++

dito mejo na laughtripan ako nung binasa ko
++

di ko pa nababasa si Tolstoy
Lolita tumigil sa gitna kasi kelangan ko ng annotations
yung Kundera tapos ko yun twice, kelangan ulitin para maintindihan.
++

librong maraming issue. search nyo na lang sa google. eto masarap basahin sa jeep.
++

ayan mga lumang kopya ko ng mga Albom
++

yung Deathly Hallows lang kulang ko sa HP e , kaso nagsiraan na silang lahat hahaha. yung twilight from Monique yan, pinsan ko.
++

Oondaatje, ang alam ko Sri Lankan siya. :)
++

Orwell. yung 1984 di pa bukas, yung binigay kasi sakin ni Mr. Haw dati nawala ko.
++

Silence of the Lambs na lang kulang! buti na lang nakakopya ako kay Joliv ng movie neto.
++

OBAMA OBAMA OBAMA
++

nag - iisa kong Munoz Molina. :))
++

polsci books! :)
++

eto lang mga Tagalog ko e sorry. :) yung iba nasa hiraman pa.
++

ETO NA YUNG TATLONG BIGATING AUTHORS NA FAVORITE KO, GABRIEL GARCIA MARQUEZ, MARIO VARGAS LLOSA AT ARTURO PEREZ REVERTE. yung mga nasa harap yung favorite books ko nag ginawa nila. :)
++

for the boys! ui yung may ari ng Patterson, kelan ko pwede ibalik sayo hahaha
++

sa kuya ko yan!
++
CLASSICS!

++

COELHO COLLECTION pati yung Paulo Coelho: COnfessions of A Pilgrim (not for sale in the Indian Subcontinent ONLY) pero meron ako hinukay ko to sa mga tindahan sa Recto.
++
yung nasa dulo pala, yung the time of the hero ni Mario Vargas Llosa, yun yung kuimain ng oras ko sa OJT hahaha. :)
++

mawawala ba naman ang mga Mafia stories na super favorite ko rin? e mas swagger pa yang mga yan sa Cali Swag District e. :))
++

SHERLOCK HOLMES COLLECTION. :))
++

O NGAYON PAANO KO AAYUSIN TO BBYE NA! :)
Design by Simon Fletcher. Powered by Tumblr.
© Copyright 2010