Na - suspend (intentionally) yung pag - aaral ko ngayon kasi emergency light yung ginagamit ko, e kelangan niyang i - charge, kaya eto, kuwento muna. :))
++
QUESTION: bakit nga ba lahat ng nauusong kultura o ano pa man e linalagyan na ng “mon” sa hulihan?
jejeMON - EuNn `M9Ah 9uMah9amiTT n9 9aniToh. :)
bekiMON - ayun, yung mga gumagamit ng salita na hango sa mga jargon ng mga bakla.
++
ang galing lang kasi kahit hindi mo madetermine kung noun, o adjective, o verb o whatsoever yung salitang ganun, e nagagamit mo parin siya, applicable sa lahat. :) yun nga lang pag nasanay ka e pati sa academic recitations mo sa school, magagamit mo, unintentionally.
ETO YUNG MGA natutunan ko, (na sa araw - araw kong napakikinggan, e nagagamit ko na rin… top 15 (in no particular order):
1. keme (noun, verb) - pwede rin siyang maging kemerut, kems.
~ biro lang o joke
ex: “Keme lang yung sinabi ko kanina sa’yo ha, na namatay yung Tatay mo.”
2. pek(2x) (noun) - ~ yung ginagamit ng mga ibon at angels para lumipad ng mataas.
ex: “Pangarap kong magkaroon ng pek(2x) para makapunta sa clouds.”
3. chos (noun, verb) - pwede rin siyang maging echos o echosa o char.
~ para ring keme, pero madalas ginagamit pangdagdag sa mga sentences o phrases pag nagjojoke ka.
ex: “Amoy putok siya… chos!”
4. Wiz Khalifa Mameh (noun, verb) - galing siya sa wiz o wititit o wit na ang ibig sabihin ay ~ hindi.
ex: G1: Maganda ba siya?
G2: Wiz Khalifa Mameh!
++
teka natatawa ako, linalagyan ko pa ng mga “noun…” e catch - all nga pala every term :))) hahaha. di ko na lalagyan.
++
5. Imbarbie - na hango sa ninuno niyang salita, ang “barda,” na ang ibig sabihin ay naasar, o nakakainis, pwede rin siyang maging “barbie” o “imbarbie-kels”
ex: “Imbarbie ang watashi kaninakels kasi Wiz Khalifa Mameh natawagshima ang waturlili sa reci.”
synonym niya ang “ANCHA” na ang ibig sabihin ay “asar”
AYAN na, COMBO na ang paggamit ng words hahaa. :))
6. Watashi - na galing sa salitang atashi, na ang ibig sabihin ay “ako,” pwede rin siyang maging waterlily o (wuterlily) o watambey o water o wata na lang.
ex: “WAAAAH bagsak ang Watashi kanina sa exams!”
7. Tegi - na ang ibig sabihin e patay, pwede rin siyang pahabain na parang “tegi boom boom lei”
ex: Tegi tayo mamaya sa LocGov, di kasi tayo nag - aral e!
8. Waley - na ang ibig sabihin ay wala.
ex: “Waley” na pagkain sa ref”
++
DITO AKO SOBRANG NATATAWA, PAG MGA PANGALAN NA NG SINGER O ARTISTA ANG GINAGAMIT HAHAHAHA!
++
9. Smellanie Marquez - mabaho
ex: “Smellanie Marquez siya after magbasketball!”
10. Cynthia Luster - “SINO SIYA?” o pwede ring Cynthia lang na ang ibig sabhin e Sino Siya?
ex: (may bagong dating sa room)… Cythia?
11. Tom Jones - gutom
ex: “Tara na kain na tayo Tom Jones na ako”
12. Haggardo Versoza - Haggard
ex: “Grabe hindi pa ako pumapasok e Haggardo Versoza na ako!”
13. Kelly Clarkson - kilikili o underarms
ex: “Lakas ng loob magtaas ng kilekile, maitim naman Kelly Clarkson!”
14. Keri Hilson - pag sinabi kasing Keri, o keribells, ibig sabihin e “kaya.” Parang “keri lang” o “carry on” siguro sa english.
ex: “Keri Hilson mo bang tapusin yang libro in 1 day?”
15. Kanye West - “kanya”
ex: “Kanye West yang ninakaw mong sapatos kagabi”
++
yoko na, hahaha tawa ako ng tawa. :)) aral na ulet ako!
Design by Simon Fletcher. Powered by Tumblr.
© Copyright 2010